Karamihan ng mga tao eh hindi pamilyar sa eskuwelahan na ito. Mas madalas pag narining mo ang UP dalawang campuses lang ang papasok sa isipan mo. UP Diliman at UP Los Banos. Mawalang galang lang po, madaming campuses ang bumubuo sa UP System. May UP Baguio, dating UP Pampanga na di ko na alam ang pangalan ngayon, nawala na sa pamunuan ng UP system, UP Miag- ao na matatagpuan sa Iloilo at ang pinakamalaking UP... tama po di po Diliman ang may pinakamalaking land area, pangatlo lamang po sila. Me UP Tacloban din at ang pinakamamahal kong Alma Mater ang UP Manila.... opo dalawa po ang UP campuses sa NCR, ang UP Diliman at ang original na UP, sa Manila... Para sa kaalaman ng lahat ang orig na UP ay itinayo sa Ermita Manila, pero ng dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig karamihan ng mga kolehiyo sa Manila ay inilipat sa Diliman, maliban sa Kolehiyo ng Medisina. Sa paglipas ng panahon, maliban sa nasabing kolehiyo, muling umusbong ang iba't ibang kolehiyo, College of Allied and Medical Professions, College of Dentistry, College of Pharmacy at ang pinakamamahal kong kolehiyo na naging tahanan ko nung ako ay nasa UP pa ang College of Arts and Sciences... ang tanging kolehiyo na napabilang sa samahan ng kursong me kinalaman ng medisina... hehehe o mas malamang naligaw?...
Ganun pa man, pinakamamahal ko ang kolehiyong eto, oo nga malamang kami ang me pinaka maliit na campus sa buong UP system, pero maraming bagay ang itinuro sa akin dito. Mga pagkakamali at kasiyahaan na tumulong na humubog sa pagkatao ko, at mga prinsipyo na magpasahanggang ngayon ay gumagabay sa akin... Kalimitan, marami ang nagsasabi na masyado daw masyado daw akong radikal, lalo na sa trabaho ko ngayon... Di po ako radikal, natuto lang akong ipaglaban kung ano ang dapat at kapag nasa katwiran ka, isang malaking pagkakamali ang pananahimik. Nakakatawang isipin na sa panahon ngayon may mga tao pa ding nagtatas ang kilay pagka babae ka at nagsalita ng di umaayon sa ginagawa ng karamihan.Di ako feminista, lilinawin ko lang, pero malaking pasasalamat ko na nag aral ako sa pamantasang ito na lubos na humubog sa akin, na panindigan ang prinsipyo, ano't anuman ang kahinatnan nito. Maliban sa pagiging isang magaling na mag aaral, itinuro din sa akin nito kung papaano mamuhay pagkalabas sa pamantasang ito. Hindi po nerd ang mga nag aaral dito, katulad din ng ibang estudyante na libro, kaibigan at kalokohan, sa tingin ko nga mas bukas pa kami sa kalokohan eh... kung ang ibang pamantasan eh mahigpit na tinututulang ang Fraternity at Sorority, sa amin, malaya kang makakapamili ng sasalihan mong samahan.Noong una rin di ko ito gaanong maintindihan, bakit nga ba ganun? Sa paglipas ng panahon sa peyups natutunan ko na hindi lang neto ituturo ang kabutihan. Nakahapag din sa harapan mo ang kasamaan.... hindi ka nila itutulak papunta dito noh, di ganun ang ibig kong sabihin... bibigyan ka ng babala na pag ginawa mo ang bagay na ito, ito ang kalalabasan niyan. Binibigyan ka ng kalayaang mamili at panagutan kung anuman ang kalalabasan ng desisyon mo. Ginagawa kang isang responsableng tao na paglabas mo ng pintuan ng unibersidad ay matuto kang manindigan at di isang hamak na sunod sunuran lang. Di lamang ito itinuturo sa UP Manila kundi sa buong sistema ng UP, sa lahat ng campuses na meron kami... Di ko sinasabi na walang masama na taga peyups, ang totoo peyups ang nagluluwal ng pinaka mabubuti at masasamang alumni, pinakamatatalino at pinakatuso... gayun pa man hindi ko ito ikinakahiya, isa lang ang ibig sabihin nito, ibinigay sa iyo ng UP ang lahat ng pangangailangan mo para mabuhay ka bilang isang tao. Kung magiging mabuti ka o masama ikaw na ang me gawa noon at hindi ang UP. Siguro, kakaiba nga ang UP at ang ipinagkaiba namin eh hindi kami sumusunod sa agos ng pangyayari, bagkos pinapanindigan namin kung ano ang pinaniniwalaan naming dapat at bukas sa kritisismo mapa maganda man o pangit. Di ka gagawing robot na de remote control bagkus ginagawa kang isang nilalang na marunong mag isip at tumayo sa sarili mong mga paa.
At amfot@@@ ang hirap pala mag sulat ng blog na tagalog lahat... weeeh!